Saturday, March 21, 2020

Tunkol sa Home Quarantine Pass | Luzon Lockdown Update

March 21, 2020 - tumawag at alamin sa inyong Barangay kung may ipinapamahaging "Home Quarantine Pass" para iwas-huli. Malilimitahan ng Quarantine Pass ang paglabas ng mga tao sa kani-kanilang bahay. Tanging isa lamang sa miyembro ng bawat pamilya ang maaaring makalabas upang bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan bago mag-curfew hours. Hanggang maaari ay hindi pinapayagang bigyan ng Quarantine Pass ang mga lolo o lola (senior age) ng tahanan maliban na lang kung nag-iisa ito sa buhay.



Aarestuhin ang lalabag sa lokal na kautusang ito maliban sa siyudad ng Valenzuela at iba pang lungsod na hindi nag-uutos sa regulasyon tulad nito. Ang maaaresto ay maaaring makulong ng 6 na buwan at multa hanggang 100,000 piso. Kaya't tumawag sa inyong Barangay at alamin.

  1. Tunkol sa Home Quarantine Pass, basahin: https://www.philstar.com/headlines/2020/03/21/2002505/what-are-quarantine-passes-and-why-are-they-handed-out-during-luzon-wide-lockdown
  2. Para sa parusa sa mga lalabag, basahin: https://www.rappler.com/nation/254788-doj-says-resisting-disobeying-basis-arrest-luzon-quarantine-coronavirus

At sa iba pang balita, sa ulat ng DOH ngayong Marso 21, 2020, nasa 307 na ang bilang ng kasong may COVID-19, basahin: https://www.doh.gov.ph/2019-nCov

Mag-ingat po tayong lahat!

Salamat!

No comments:

Post a Comment